Eh magkano ba ang peace of mind mo?

Araw-araw may keyboard warrior na parang may quota sa pang-aalipusta ng veterinarians.

“Pera lang habol niyo.”

“Wala kayong malasakit.”

“Negosyo lang kayo.”

At kapag kulang pa, pati pagkatao mo sisirain.

Pero mga kapwa ko vets, ito ang tanong:

Eh magkano ba ang peace of mind mo?

Ipamimigay mo ba nang libre sa isang dummy account?

Isang stranger na hindi alam ilang pasyente ang hinawakan mo, ilang emergency ang sinalo mo, ilang gabi kang hindi nakatulog, at ilang taon mong pinag-aralan ang propesyon mo?

Hindi lahat ng may comment, may punto.

Hindi lahat ng maingay, tama.

At lalong hindi lahat ng nang-iinsulto ay deserve ng sagot.

Advertisements & Promos

Matuto tayong magtipid.

Hindi lang ng pera.

Ng oras.

Ng energy.

Ng emosyon.

Kung valid ang criticism, pakinggan.

Kung may mali, itama.

Pero kung ang pakay lang ay yurakan ka para makakuha ng reaction?

Block. Scroll. Trabaho ulit.

Hindi mo kailangang manalo sa comments section.

Kailangan mo lang hindi hayaang ang isang taong walang ambag sa buhay mo ang kumontrol sa araw mo.

Advertisements & Promos

Eh magkano ang peace of mind mo?

Kung pinaghirapan mong buuin ang career mo nang ilang taon, huwag mong hayaang sirain ng isang comment na tinype lang in 30 seconds.

Advertisements & Promos

Dr. Geoff Carullo is a Fellow and the current President of the Philippine College of Canine Practitioners.

Sharing this helps others understand what it really means to be a vet. Like and follow if you’re with us.

Share to your Network: