Online limos: Paano nagiging scam ang ₱20, ₱50, at ₱100?

“Urgent help needed.”

May pusang hindi makaihi. May asong kailangan ma-confine. May rescue na kailangang operahan.

Tapos kasunod:

“Kahit ₱20, ₱50, o ₱100 lang po.”

Mukhang maliit.

Pero sandali.

Eh magkano kapag 1,000 tao ang nagbigay ng ₱100?

₱100,000.

Diyan nagiging interesting ang tinatawag kong online limos economy.

Hindi ko sinasabing scam ang specific post na nasa screenshot. Hindi natin malalaman iyon sa isang post lamang. At hindi rin lahat ng humihingi ng tulong online ay nanloloko.

Pero napakadaling gawing scam ang ganitong sistema.

Advertisements & Promos

Gagawa ka ng emotional story.

Maglalagay ng picture ng may sakit na hayop.

Sasabihing emergency.

Ilalagay ang GCash o QR code.

At dahil maliit lang naman ang hinihingi, maraming tao ang hindi na nagtatanong.

“₱50 lang naman.”

“₱100 lang naman.”

Exactly.

Iyan ang strength ng sistema.

Hindi mo kailangang makakuha ng ₱20,000 sa isang tao.

Kailangan mo lang makakuha ng ₱20 sa 1,000 tao.

Eh magkano?

₱20,000.

Advertisements & Promos

At kapag viral ang post?

Nobody really knows kung magkano na ang pumasok.

₱5,000 ba?

₱30,000?

₱100,000?

Samantalang maaaring bayad na pala ang veterinary bill.

Ito ang malaking problema sa online solicitation: madaling ipakita ang bill, pero mahirap patunayan kung magkano na ang kabuuang donations na natanggap.

Kaya kung totoong fundraising para sa veterinary patient, transparency should work both ways.

Hindi lang:

“Ito ang resibo namin.”

Dapat kaya ring sagutin:

  • Magkano ang actual bill?
  • Magkano na ang donations?
  • Magkano pa ang kulang?
  • At saan napunta ang sobra?

Advertisements & Promos

At higit sa lahat, kung totoong emergency ang hayop, treatment should not become secondary to fundraising content.

Sa veterinary medicine, ang pusang paulit-ulit na umiihi pero patak-patak lang, lalo na kung lalaki, can be a genuine emergency.

Hindi iyon engagement opportunity.

Patient muna.

Fundraising later.

Kaya bago magpadala ng ₱20, ₱50, o ₱100 online, huwag lang tanungin:

“Kawawa ba?”

Tanungin din:

“Verified ba?”

Dahil sa internet, minsan hindi kailangan ng scammer ng isang malaking biktima.

Kailangan lang niya ng libo-libong mababait na tao na magsasabing:

“₱100 lang naman.”

At doon nagsisimulang lumaki ang maliit na limos.

Dr. Geoff Carullo is a Fellow and the current President of the Philippine College of Canine Practitioners.

Sharing this helps others understand what it really means to be a vet. Like and follow if you’re with us.

Share to your Network: