“Bakit May Mayaman na Vet, at May Mahirap na Vet?”

Pareho namang nag-aral, parehong may DVM.

So, anong pinagkaiba?

Ito ang tanong na minsan di sinasabi pero laging iniisip:

“Doc, bakit siya naka-clinic chain na, habang ako araw-araw pa rin nakikipag bakbakan sa 4Ps?”

Pareho namang vet. Di hamak me itsura pa ako.

Pareho namang pumasa sa board exam.

Pareho namang kayang mag-inject, mag-deworm, mag-spay.

Pero bakit may vet na may building, may shares of stocks, may property…

At may vet na araw-araw nag-aadjust sa budget?

“Bukod sa mayaman at alta sa siudad ang parenthood nila?”

Ang sagot?

It’s not just about how good you are with animals.

It’s about how strategic you are with your practice.

Advertisements & Promos

1. May Vet na “Practitioner” Lang…

At May Vet na “Practitioner AND at the same time Entrepreneur.”

Yung isa, focus lang sa gamutan.

Yung isa, nag-aaral din ng pricing, branding, marketing, at investments.

Ang isa, magaling mag-diagnose.

Ang isa, magaling mag diagnose, mag-scale ng serbisyo para lumawak ang reach.

2. May Vet na Laging “Present”…

At May Vet na Nagtayo ng System Para Hindi Kailangan Laging Nandyan.

Yung isa, ginawang bahay ang clinic.

Yung isa, clinic ang negosyo—at may oras pa para sa pamilya, talks, o kahit konting self-care.

Hindi dahil tamad siya.

Pero dahil nag-set up siya ng system that works even when he rests and sleep.

Advertisements & Promos

3. May Vet na Takot Magtaas ng Presyo…

At May Vet na Marunong I-value ang Sarili at Serbisyo.

Yung isa, feeling guilty mag-charge ng tama.

Yung isa, alam na fair pricing = better care + sustainability.

Ang resulta?

Yung una, laging kapos kahit pagod.

Yung pangalawa, may kita habang petiks lang.

4. May Vet na Maraming Skills…

Pero Yung Isa, Marunong Mag-focus sa Strength at Mag-delegate.

Hindi lahat kayang gawin—pero may vet na sinusubukang gawin lahat.

Yung mayaman na vet?

Alam n’yang hindi siya dapat maging receptionist, tech, social media manager, HR, at janitor in one.

Marunong siyang mag-train, mag-hire, at mag-lead.

Advertisements & Promos

So, anong sikreto?

Hindi lang “maging mabait sa hayop.”

Hindi lang “basta mahal mo ang ginagawa mo.”

Kailangan din ng:

  • Mindset ng vetrepreneur
  • Financial literacy
  • Smart systems
  • Long-term vision

Bottom line:

Pareho tayong vet. Pero iba-iba ang path na tinatahak natin.

Kung gusto mong maging hindi lang vet, kundi vet na mayaman sa purpose at kita—

Aralin mo ang negosyo.

Huwag kang mahiya mag-scale.

At huwag kang matakot maningil ng tama.

Because your profession deserves profit— not just passion.

Sharing this helps others understand what it really means to be a vet. Like and follow if you’re with us.

Dr. Geoff Carullo is a Fellow and the current President of the Philippine College of Canine Practitioners.

Advertisement

Share to your Network: